Magnifica Humanitas
| Magnifica Humanitas Salin: Kahanga-hangang Sangkatauhan Liham ensiklikal ni Papa Leon XIV | |
|---|---|
| Petsa ng lagda | 15 Mayo 2026 |
| Paksa | Sa pangangalaga sa tao sa panahon ng artipisyal na katalinuhan |
| Bilang | 1 ng 1 ng pontipikado |
| Teksto | |
Ang Magnifica Humanitas (lit. na 'kahanga-hangang sangkatauhan') ay ang unang ensiklikal ni Papa Leon XIV, na nakatuon sa "pagpapanatili ng tao sa panahon ng artipisyal na katalinuhan". Inilathala ito noong ika-25 ng Mayo 2026.[1][2]
Pinili ni Leon XIV na personal na iharap ang ensiklikal sa Vaticano,[3] hindi tulad ng karamihan sa mga papa na ipinaubaya ang gawaing ito sa mga kardinal. Dinaluhan ng mga eksperto sa AI ang pagtatanghal, kabilang si Chris Olah, kasamang tagapagtatag ng Anthropic.[3]
Ang ensiklikal ang unang nailathala nang walang opisyal na bersiyon sa Latin. Ito ay kasunod ng isang kamakailang pagbabago sa mga regulasyon ng Vaticano na nagpapahintulot na ang mga naturang dokumento ay maihanda sa ibang mga wika.[4]
Sanligan at paglabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mula sa simula ng kanyang pontipikado, nagpahayag si Papa Leon XIV ng mga alalahanin tungkol sa pag-usbong ng artipisyal na katalinuhan, mga krisis na nakaaapekto sa dignidad ng tao, at multilateralismo. Pinili ang petsa ng paglalathala ng ensiklikal upang tumapat sa ika-135 anibersaryo ng paglalathala ng Rerum novarum,[5] ang mahalaga at makasaysayang ensiklikal tungkol sa industriyalisasyon na isinulat ni Papa Leon XIII, na kapangalan ni Leon XIV.[5][6]
Nilalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ensiklikal ay nakatuon sa ‘pagpapanatili ng tao sa panahon ng "artipisyal na katalinuhan".[7] Ayon kay Leon, maaaring gawing "hindi gaanong makatao" ng teknolohiya ang sibilisasyon at mabawasan ang dignidad ng tao, gayundin ang halaga ng gawaing pantao, na aniya’y mahalagang bahagi ng paghahanap ng layunin at katuparan.[8][9] Partikular na kinokondena ng ensiklikal ang paggamit ng AI sa digmaan, na nagsasaad na ang pagbawas ng kontrol ng tao sa mga armas ay nagpapadali sa pagsisimula ng mga digmaan.[3] Isinulat ni Leon na dahil dito, ang Katolikong teorya ng makatarungang digmaan ("na napakadalas gamitin upang bigyang-katwiran ang anumang uri ng digmaan") ay naging "lipas na sa panahon".[10] Hinihikayat din ng ensiklikal na iwasan ang karera sa armas ng AI at pinupuna ang mga deepfake sa politika.[3] Iginiit ng Magnifica Humanitas na hindi kailanman neutral ang teknolohiya, at nangangatwiran na ang sangkatauhan ay nahaharap sa isang pagpipilian sa pagitan ng "pagtatayo ng Babel at muling pagtatayo ng Jerusalem": sa pagitan ng malayo at mapagmataas na kapangyarihan at ng komunidad na nakasentro sa tao.[11][12]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pope Leo XIV's first encyclical Magnifica humanitas to be published May 25" [Ang unang ensiklikal na "Magnifica humanitas" ni Pope Leo XIV na ilalathala noong Mayo 25]. Vatican News (sa wikang Ingles). 18 Mayo 2026. Nakuha noong 18 Mayo 2026.
- ↑ "Information for journalists" [Impormasyon para sa mga mamamahayag]. Holy See Press Office (sa wikang Ingles). 18 Mayo 2026. Nakuha noong 20 Mayo 2026.
- 1 2 3 4 Maqbool, Aleem; Wyatt, Catherine (25 Mayo 2026). "Pope Leo says AI must be 'disarmed' in first major teaching" [Papa Leon, sinabi na kailangang 'disarmahan' ang AI sa unang pangunahing pagtuturo] (sa wikang Ingles). BBC. Nakuha noong 25 Mayo 2026.
- ↑ "The first encyclical without a Latin version reveals a profound transformation in the Vatican" [Unang ensiklikal na walang bersiyon sa Latin, nagpapakita ng malalim na pagbabago sa Vaticano], Infovaticana (sa wikang Ingles), 26 Mayo 2026
- 1 2 "Pope Leo and the 'Babel Syndrome'". Commonweal. 27 May 2026.
- ↑ Pope Leo XIV (25 May 2026). "Magnifica humanitas".
- ↑ Rich, Motoko; Povoledo, Elisabetta; Dias, Elizabeth (2026-05-25). "Pope Leo Warns of Risks From A.I. in 42,300-Word Encyclical" [Nagbabala si Papa Leo Tungkol sa mga Panganib Mula sa A.I. sa 42,300-Salitang Ensiklikal]. The New York Times (sa wikang Ingles). US.
- ↑ Livesay, Chris (2026-05-25). "Pope Leo calls for "disarming" of AI in technology-focused encyclical" [Nanawagan si Papa Leon para sa "pagdisarma" ng AI sa isang ensiklikal na nakatuon sa teknolohiya]. CBS News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-05-30.
- ↑ Noah, Timothy (27 Mayo 2026). "Pope Leo's Vital Message About Work in the Age of AI" [Mahalagang Mensahe ni Papa Leon Tungkol sa Trabaho sa Panahon ng AI]. The New Republic (sa wikang Ingles). ISSN 0028-6583. Nakuha noong 2026-05-30.
- ↑ McElwee, Joshua (25 Mayo 2026). "Pope, urging AI regulation, warns some weapons now beyond human control" [Ang Santo Papa, na nananawagan ng regulasyon sa AI, ay nagbabala na ang ilang armas ay lampas na sa kontrol ng tao]. Reuters (sa wikang Ingles).
- ↑ Brockhaus, Hannah (2026-05-25). "'Magnifica Humanitas': Pope Leo Invokes Justice to Combat 'Anti-Human Vision' in AI" ['Magnifica Humanitas': Hinihikayat ni Papa Leon ang Katarungan upang Labanan ang 'Kontra-Taong Mithiin' sa AI]. National Catholic Reporter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-05-25.
- ↑ Schechner, Sam; Stancati, Margherita (2026-05-25). "Pope Leo Compares AI Threat to Biblical 'Tower of Babel'" [Inihambing ni Pope Leo ang Banta ng AI sa 'Tore ng Babel' sa Bibliya]. The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-05-25.