1921
Itsura
Ang 1921 (MCMXXI) ay isang karaniwang taon na nagsimula sa Sabado sa kalendaryong Gregoriyano at isang karaniwang taon na nagsimula sa Biyernes sa kalendaryong Huliyano. Ito ang ika-1921 taon ng Karaniwang Panahon (Common Era o CE) at Anno Domini (AD), ika-921 taon ng ika-2 milenyo, ika-21 taon ng ika-20 dantaon, at ika-2 taon ng dekada 1920.
Sa pagsisimula ng taong 1921, ang Kalendaryong Gregoriyano ay may lamang na 13 araw kumpara sa kalendaryong Huliyano, na nanatiling ginagamit sa ilang lugar hanggang 1923.
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 2 – Ang barkong pampasaherong Espanyol na Santa Isabel ay nabiyak sa dalawa at lumubog sa baybayin ng Villa García, Mehiko na ikinamatay ng 244 sa 300 kataong sakay nito.[1]
- Enero 16 – Idinaos ng Marxistang Kaliwa sa Slobakiya at Ukranyang Transkarpatiyano ang nagtatag nitong kongreso sa Ľubochňa.[2]
- Enero 21 – Ipinalabas sa Estados Unidos ang buong-habang pelikulang tahimik na komedya-drama na The Kid, na isinulat, ginawa, idinirehe, at pinagbidahan ni Charlie Chaplin bilang kanyang karakter na Tramp, kasama si Jackie Coogan.[3]
- Pebrero 12 – Pagsalakay ng Pulang Hukbo sa Heorhiya: Nilusob ng mga puwersa ng Bolshevikong Rusya ang Demokratikong Republika ng Heorhiya.[4]
- Marso 6 – Pinilit ng mga Kaalyadong Kapangyarihan ang Alemanya na magbayad ng danyos-pinsala sa digmaan.[5]
- Abril 11 – Itinatag ang Emirato ng Transjordan sa ilalim ng Mandatong Britaniko, at si Abdullah I ang naging emir nito.[6]
- Hulyo 1
- Itinatag ang Partidong Komunista ng Tsina.[7]
- Ibinigay ang kauna-unahang pagbabakuna ng BCG laban sa tuberkulosis sa Paris, Pransiya; isang bagong silang na sanggol ang tumanggap nito.[8]
- Oktubre 15 – Nailuklok si Mayor-Heneral Leonard Wood bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.[9]
Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Santa Isabel disaster". The Times (sa wikang Ingles). Blg. 42610. 5 Enero 1921. p. 9.
- ↑ Yeshayahu A. Jelinek; Yešaʻyāhû Yelîneq; Yeshayahu Jelinek (1983). The Lust for Power: Nationalism, Slovakia, and the Communists, 1918-1948 (sa wikang Ingles). East European Monographs. p. 7. ISBN 978-0-88033-019-0.
- ↑ "Chaplin has rival in smart infant; he's Jackie Coogan". New York Daily News (sa wikang Ingles). Enero 21, 1921. p. 15.
- ↑ Paxton, John, pat. (2016). The Statesman's Year-Book 1974-75: The Encyclopaedia for the Businessman-of-the-World (sa wikang Ingles). Springer. p. 1428. ISBN 978-0-230-27103-6.
- ↑ "PENALTIES TO BE PUT INTO EFFECT". Glendale Daily Press (sa wikang Ingles). Marso 7, 1921. p. 1.
- ↑ ʻAbd al-Salām Majālī; Jawad Ahmed Anani; Munther J. Haddadin (2006). Peacemaking: The Inside Story of the 1994 Jordanian-Israeli Treaty (sa wikang Ingles). University of Oklahoma Press. p. 1. ISBN 978-0-8061-3765-0.
- ↑ Summary of World Broadcasts: Asia, Pacific (sa wikang Ingles). British Broadcasting Corporation. 1996. p. D-2.
- ↑ Unesco (1964). The Unesco Courier (sa wikang Ingles). UNESCO. p. 11.
- ↑ Hayden, Ralston (1926-03-01). "The Philippines: An Experiment in Democracy". The Atlantic (sa wikang Ingles). ISSN 2151-9463. Nakuha noong 2026-06-04.